shihtzuke…

January 5, 2009

O eto ang cute cute neto.. Kakatuwa ayaw na ako iwanan.. Dito natutulog sa kwarto ko hahaha..  Ayaw na nya umalis sa tabi ko.. 

Hay gusto ko sya dalin sa Saudi.. bawal lang kasi ang aso doon.. Binabantayan nya ako.. ang cute cute.. ang hilig hilig nya maglaro.. takbo ng takbo tas ang sweet sweet.. Ay doble doble ang ang salita salita!! 

Binilan ko ng anak-anakan ang aking ermat.. para may mapaglibangan sya.. sa nakikita ko kasi maiinip ang mom ko sa araw-araw na ginagawa nya.. e ngayon mauubliga syang  alagaan ito hahaha.. naman ang mahal kaya neto kaya mother dear wag mo papabayaan ang alaga mo.. isipin mong ako yan! Isipin mo din ung pinangbili ko jan!! Joke lang.. Wag ka magalala sa pambili ng food at shampoo.. kay ate na yon!


Click!

December 24, 2008

Invisible mode muna ako.. tatago lang sa mga inaanak! Sa 26 available na uli ako! 

click

Maligayang Pasko sa ating Lahat!


Overdrive

December 16, 2008

Hay ang saya talaga sa Pinas. Pwede mong gawin ang lahat ng gusto mong gawin. Hindi kagaya sa Saudi walang kabuhay buhay!! Hay nakakasakit nga po ng katawan dito sa pinas.. Eto nga 2 days  na akong lagpak sa kama..

Syempre pagbakasyon lahat ng kaibigan mong sabik  kang makita e kailangan mong ilibre at painumin ng Red Horse o kaya SanMig Light, at hindi pa nakuntento meron pang Goto at Kape pagkatapos ng gimik nyo.. toinks.. at kung talagang sabik na sabik sila sayo e haharasin ka hangang mawalan ka ng saplot sa katawan.. awwwww!! O kikiss pa e pauwe na nga tayo!!  jowk lang..

May mga magtatampo kasi sabihin kinalimutan na sila or hindi ka na nakaalala.. Hindi naman sa ganun mga mare at pare kumadre at kumadroma.. Syempre were spending the most of our time with our family kasi minsan lang sila makasama and sila yung mas nangungulila samin kaya magtatampo mga yun pagkalagi kami aalis.. Intayin muna natin sila magsawa sa pagmumuka namin tsaka ang gala. Intay-intay lang kayo dyan.. hindi naman namin kayo makakalimutan.. talagang busy lang sa bakasyon.

Nwey wala din ako maisulat kaya eto share ko nalang some of my pics sa road trip ko to Lake Caliraya.. ang ganda dito.. kung gusto nyo ng tahimik na lugar para magrelax punta lang kayo sa mga resort sa tabi-tabi.  Layo byahe ko from nueva ecija to laguna. Syempre enjoy ang byahe kasi dala ko ang aking tsikot na kakapalit lang ng gulong at mags.

dsc_0472

Magpost nalang uli ako ng mga pics ng mga susunod kong trip!! Maligayang Pasko po sa inyong lahat!


Utang na loob!!

November 29, 2008

Wahh nakakapagod ang byahe… Utang na loob… targis ang sakit ng katawan ko.. halos mawalan na ako ng ulirat bago makarating nang pinas. Sa naranasan ko ba naman e tang na loob lang masasabi ko.. inaliw ko nalang sarili ko sa pangookray sa mga ilang tao na nakasalamuha ko habang ngabyabyahe.. lika byahe tayo!

Ang sarap dito sa pinas.. Para kang artista pag uwe mo, nagniningning ka sa mga mata nila. Bat di ka nga naman maging instant sikat e akala nila ang dami-dami mong pera at ang puti-puti mo, maganda ang balat, mamula-mula, ang bango-bango mo pa.. samahan pa ng mga maamahaling alahas.. O diba talagang hahainan ka ng masasarap na pagkain. Yung mga namiss mong putaheng pinoy na wala sa ibang bansa. Eto talaga ang matatawag na HOME..

Hmmm.. sakit ng katawan ko bago ako nakauwe. Kainis kasi ang airline ko. Strictly 40kls lang ang allowed na i-check-in mong bagahe. E ang loko ko naman kasi alam na nga 40 e hindi pa sinakto. Ayun yung 8kls ay inalis ko sa bagahe at binitbit ko nalang. Utang na loob!! lahat ng pasahero nyo pinabasawan nyo ang laman ng bagahe e dala-dala din nila as hand carry yung mga yun.. edi ganun din nasa eroplano pa rin yung mga yun. Sa inis ko ay nambabalahura nalang ako ng mga tao na nakikita ko..

Eto si kabayan no.1 nun nasa boarding gate kami sa Bahrain…

Kabayan: From where are you?

Bast: Saudi po!

Kabayan: Daming magpapasko sa pinas no? (Uy tagalog)

Kabayan: What time you arrrived here?

Basti: Mga 30 mins ago po. Delayed nga po sa Dammam ng 1hour and 30 mins.

Kabayan: My God! You know what? Were here since yesterday. We are 1 hour earlier before the flight but the plane flew withiout us. It’s terrible! They provide hotel for us but it doesnt look like a hotel’ to me. Gosh! they fed us, but the breakfast was served at 10am, lunch 3pm.. and the food… It’s so old and taste so bad. Crap.. i will not take this airline anymore…

Utang na loob!! hindi po ako shock absorber!! Pinadugo mo tenga ko bruha ka! Pero atleast nakapaglabas ka ng sama ng loob. Toinkness wala naman ako magagawa sa hinanakit mo sa airline na yan at ako din ay masama ang loob. Wag ka sakin magreklamo hahaha! Buti nalang good listener ako at napakalma kita ng bagya. Masyado ka kasing high blood, targis hindi ko na kaya kayong bitbitin lahat kung mag kokolaps ka pa!!

Si kabayan no.2 sa baharain airport pa rin… May kasusap sa cellfone..

Kabayan: Its nothing problem about that!

Basti @ obeserver mode: Ano daw??? napalingon tuloy ako sa kanya.

Kabayan: So you can now use the washing machine already??  pron.(wa-sin-me-sheyn)

Ano daw ulit??? Utang na loob ulit!!! Ang hirap mo intindihin oo dyusko!! Akala ko from Saudi ka nun pala from Greece ka den kagaya ni kabayan no1. Toinkness ka english mo parang english ng mga arabo hahaha!! Mga taga Greece na yan e inglesera.. Targis magsitigil kayo!! Pauwe tayo ng pinas. Hilahin ko tuka nio eh!

Eto pa isa si kabayan no3. sa eroplano.. Hindi ko alam kung galing din sya sa Greece..

Flight attendant: Chicken with rice or Pasta?

Kabayan: Vegetarian ako eh!

Flight attendant: Ay ganon po ba. Sige po titingin ako kung meron ako makukuhang vegetable meal.

Utang na loob!!! Arot ka! wag kang mag-inarte! Ilagay mo kaya sa lugar ang diet mo. Wala po tayo sa palengke, nasa eroplano po tayo. Tirik na tirik na mata mo sa gutom inuna mo pa ang kaartehan mo.. Kakainin mo din pala yung chicken with rice, yan tuloy palipas ka pa ng 1 hour bago ka makakain.. sana ngbusiness class ka e utang na loob ulet nasa line 53 nga ako ikaw line 54 seat ng eroplano. Alam mo bang dulong-dulo na upuan mo!! Nakakaberat ka talaga naglagay ka pa ng rollers sa buhok mo para ka lang nasa bahay.. hahaha!

Eto pa isa.. si flight attendant din ookrayin natin… papasok sya sa CR…

Flight attendant: Ay manong i-lock nio naman po ang pinto!! Ano ba yan…?!?? lake lake!!

Hahaha.. wala ka na magagwa yan ang pagkakadinig ko sa sinabi mo! Utang na loob Flight attendant nakita mo naman ata e.. ayos lang yun rereklamo ka pa e!

Hayy.. sa wakas nakarating din ng pinas! Pero masaya din ang byahe kahit ganun. Kung tutuusin nagkaroon ako ng responsibilidad sa isang tao na hindi ko naman kilala. Ang akin lang naman ay nagmagandang loob lang ako. Wala naman ibang tutulong sa kanya kaya ako nalang. Opo pasan ko ang daigdig ang papel ko nung mga oras na iyon! Meron po kasi akong nakasabay sa Dammam Airport. Kakalabas lang po nya ng hospital at pa-exit na sya ng Saudi. Mahinang-mahina po sya at hirap na hirap mglakad. Wala po maghahatid sa kanya. Inalalayan ko po sya hangang makauwe sa Pilipinas. “Akala tuloy ng mga tao tatay ko kayo!” pero kahit ganun po ang kalagayan ko ay proud ako sa ginagawa ko. Laking pasasalamat nya sakin kasi lahat ng ikakaginhawa nya ay ibinigay ko. Pati pagrerequest ng wheelchair ay nagawa ko makarating lang sya ng hindi nahihirapan sa Pilipinas. Ang hindi ko lang makalimutan ay nawala ang japorms ko hahaha!! Arot ka manong bago damit ko at sapatos haha!

Manong lam mo bang naiisip ko pa japorms ko nun.. Imagine dala ko backpack ko tas yung bag ng camera ko na sinlaki ng laptop bag at yung paper bag na 8 kilos ang laman. Isama nio pa po kayo na nakaakbay sakin hahaha!!

I hope maging maayos na po kayo at lumakas na din. Naiintindihan ko po na kailangan nyo ako nun time na yun dahil may sakit din po ang aking ina. Marami po akong natutunan sa mga kwento nyo sakin. Nakita ko din po kung gaano kalakas ang loob nyo at kung gaano kayo kadeterminado makauwi lang ng Pilipinas. Isang pasasalamat din po ang sakin.


Aftermath

November 26, 2008

@11:30AM November 26, 2008

Krriinnnggg… Krriinnnggg… (miscol) From ate Cora!

Call back ako pero wala pala ako load! toinks.. Tumawag ako sa landline.

tat tut tut toot tat tit tot tut.. (dialing)

tut tut tut tut tut tut tut tut.. (ay busy) isa pa..

tat tut tut toot tat tit tot tut.. (dialing)

Toooootttt.. Toooootttt.. Toooootttt..

Ate Cora: HR payroll Hello!

Basti: Ate cora Mirex po!

Ate cora: Oh baby!?

Basti: Hi Mommy!

Basti: Mommy bakit ka miscol?

Ate Cora: Baby dito na Passport mo with visa, nasakin na.

Basti: Talaga!? Wow salamat! Sige kuhanin ko maya-maya alis ako ng 12:30.

Ate cora: Sige intayin kita.. Bilan mo naman ako ng yoyo(yosi).. baka may madadaanan ka dyan?

Basti: Meron pero sasaglitin ko sa market bago ako sumakay ng bus.

Ate cora: Malayo ba yun?

Basti: Medyo.

Ate cora: Sige wag nalang!

Basti: Sige salamat. intayin mo ako kukunin ko maya-maya visa ko.

Ate Cora: Sige bye. ingat.

Basti: bye. salamat po ng marami..

@12:05 nakabihis na ako kasi excited ang lolo nyo kuhanin ang visa. Nanood muna ako ng TV.  Ilang saglit pa ay isang makalas at kakaibang tunog ang aking nadinig galing sa labas…

Skiiiiddddddd…. Bhoooooggg!!!@@##@

Dali-dali po akong sumilip sa bintana at nakita ko ang makapal na alikabok na bumabalot sa paligid. Nang mapawi ang alikabok ay eto po ang aking nasilayan..

dsc00703

dsc00701

dsc00702

Isang matinding aksidente..

Pasensya po at hindi gaano kagandahan ang kuha ng camera. Sa sobrang kawindang-windang na pangyayari ay nakalimutan ko po na may maganda akong camera.. pero atleast naalala ko na may camera ang cellfone ko. Hindi po kasi GAIN ang nainom kong gatas nun baby ako..

Ang nangyari po ay mabilis ang takbo ng pick-up na sakay ng mga kabataang saudi at nabangga nila sa likuran ang taxi. Sa sobrang lakas ng impact ay nawasak ang unahan ng pick-up at wasak din ang likod  ng taxi. Duguan ang mga kabataang saudi habang nakikita ko silang lumalabas isa-isa sa sasakayan. Ang driver naman po ng taxi ay natagalan pa bago makalabas sa sasakyan marahil na rin siguro sa tindi ng salpukan. Pero ang mas nakakahabag ay yung Sudani na naglalakad lamang po sa gilid ng kalsada at sya ata ang pinakamalubha sa lahat at parang babawian na sya ng buhay. Hindi ko po maipalaiwanag ang pakiramdam ko sa true to life dramang nasaksihan ko.

Kung matatandaan mo ang simula ng post ko ay muntik na ako lumabas ng bahay papunta sa grocery. Kung nagkataon na lumabas ako.. dalawa lang ang posibleng mangyari sakin… yun ay buhay pa ako at nasaksihan ko ng buong-buo ang pangyayari sa aksidente or.. maaring nadamay ako sa aksidente dahil saktong-sakto po ang oras kung lumabas ako at maaaring kasabay ko ang Sudani na naglalakad sa gilid ng daan. Ganun pa man ay nagpapasalamat ako at masamang damo ako.. hindi pa ngayon ang oras ko.. toinks! Buti nalang hindi ako lumabas. Hayyy magbabakasyon pa naman ako bukas eh..

Ang buhay nga naman kung itinakda na mamatay ka ay hindi mo mapipigilan ang oras ng iyong kamatayan. Kahit mag-ingat ka nang sobra-sobra darating at darating talaga ang ending ng buhay mo. Sa isang saglit ay maaring mawala ka sa mundo at mabaon ka nalang sa limot kasama ng mga bulate sa ilalim ng lupa. Lahat naman tayo mamatay pero mas mainam na rin ang nag-iingat.. kaya po wag tayo tatanga-tanga sa labas dahil hindi natin alam kung ano ang mga susunod na mangyayari..

Ang aking nasaksihan ay isang halimbawa para sa ating lahat kaya huwag balewalain ang mga babala maging No Trespasing, No Paking, No U-Turn, No Tiket No Entry, No Smoking, Bawal Magtapon ng Basura Dito at Bawal Umihi Dito.. Basta mag-ingat lamang po tayo lahat sa lansangan para maiwasan ang mga ganitong sakuna..


Taglishtani

November 23, 2008

Hmm.. hahaha obligasyon ba ito??? O yan lumipat na din ako sa wordpress.com kasi lahat sila e nagmigrate na. Ako nalang ang hinde at ang sabi ng isang tao dyan e maglinis at mag-agiw daw ng bahay.. inaamag na daw ang blog ko! E wala naman kasi ako magawa kasi ayaw gumana ng kaliwa kong utak tas yung kanan kong utak e busy.. Dala na din siguro ng pagka excited ko sa nalalapit na bakasyon.. Hmm eto ngpapalakas na ako kaya mgready kayong lahat dyan sa pinas.. har har har Order na kayo ng lactacid kay JustMe buy 1 take 1 daw..

Can’t wait to go home.. opo excited na excited na po ako at wala nang makakapigil pa sa paglipad ko.. Darna!! Toinks.. Just got all the stuff like pasalubong at kung anu-anong anik-anik.. Syempre mga small items na kay mamahal.. Pero ok lang kasi mahal ko din naman ang pagbibigyan ko nun.. priceless ba eka nga.. less 50% lahat yon.. targis hirap maghanap ng sale kakapagod..

Mixed emotions po ang lolo ngayon kaya wala akong maisulat.. Share ko nalang po nung bumili ako ng paslubong para sa mother ko.. Nasagi nang bahagya at natouch ni Manong ang heart ko.. awww..

Basti: Brother! How much??

Salesman: this good.. this nice pare.. ganda pare.. (Pakistani po ang salesman)

Basti: How much??

Salesman: 3 year warranty!! (Pakistani nga ang salesman e)

Basti: How Much???

Salesman: 280 riyals only.. pare mura lang! (taglishtani po ang ginagamit nya lenguahe)

Basti: Oo nga maganda at bagay sa mother ko.

 

Sa counter po habang nagbabayad ako…

 

Manong: Maganda ba yan?

Basti: Opo!

Manong: Patingin nga?! Maganda ba??

Basti: Opo simple lang  at maganda.. para po sa Mother ko!

Basti: Magbabakasyon po kayo?

Manong: OO.. eto bumibili ako ng mga pasalubong para sa kanila..

Basti: Ahh! Cge po mauna na ako!

 

Isang ngiti ang sinagot nya sakin..

 

Nung sandaling iyon ay nanggigilid ang luha ko dahil ramdam na ramdam ko ang saya na nararamdaman nya..

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko at naisip ko ang sinagot skin  ng mother ko nung tinanong ko sya kung ano gusto nyang pasalubong..

Wag ka nang magbibili ng kung ano-ano, kahit ano nalang.. ikaw ang bahala!

Pumasok sa isip ko na hindi nasusukat sa halaga o presyo at kung ano ang maibibigay mo sa mga mahal sa buhay. Para sa kanila makauwi ka lang ng buhay at humihinga ay sapat na. Mahirap nga naman yung malayo ka sa kanila ng mahabang panahon.

Mhe! Hindi na kita papasalubungan.. toinks! Joke lang!

Kaw pa makalimutan ko e lagi mo nga ako pinapaiyak pagka may sakit ka.. Naalala mo ba nun naka-admit ka? Tumawag ako sayo at hindi ako makapgsalita.. Sabi ko tatawag nalang uli ako, kasi ayokong madinig mo na umiiyak ako.. Alam mo bang nasa harap ako ng ospital namin noon at umiiyak habang nagsasalita ka.. Dami kaya nakakita sakin.. Magpagaling ka na kasi ha!? Yaan mo lapit na ako umuwe.. Makikita mo na uli ako.. miss you..


Bebi!! Happy Anniversary!!!

November 11, 2008

Hmm wala ako maisip isulat.. pro babatiin ko lang sarili ko, 3 years na akong engaged at nagsisilbi sa National Guards. Targis dito na ata ako tatanda!!?? November 13 po ako dumating sa Saudi at para lang po ako pinabili ng suka na naligaw sa disyerto.

Ang bilis ng panahon hindi ko namalayan yun ah. Three years ago, matino ang buhay ko sa Nueva Ecija bilang isang Guro, titser-titseran ba sa Araullo. Ngayon eto nakaupo nalang ako magdamag at chat ng chat.. wala man lang pagbabago pati mga kachat ko sila at sila lang din hahaha.. toinks! Para po sa mga nakakarami dati po akong Guro.. opo Guro ng kabastusan. waphek! pro syempre hindi po kabastusan tinuturo ko sa mga studyante ko. Toinks!

Sa loob ng tatlong taon.. umikot lang ang buhay ko sa loob ng ospital at ng bahay.. Well, ngpapasalamat ako sa kung ano man ang meron ako ngayon kasi alam kong ibinigay sakin to.. kahit ganun kahirap ang malayo sa mga mahal mo sa buhay para lang kumita  ng mas malaki ay nagpapasalamat pa din ako. Kahit 45 days lang pwede mong makasama ang pamilya sa pinas ay pwede na magtiis.. meron din naman maituturing na pamilya dito at may mga nagmamahal din naman sakin dito.. hmmm.. toinks. salamat sa pagmamahal mga friends.. O yun lang po sa ngayon.. ayoko magdarna dito at punong-puno ng drama ang buhay ko sa Sadui.. mas mainam na manahimik nalang.. Waphek!

Pro eto pahabol, ngpicture ako dahil anniversary ko remembrance baga. Parang niregla lang ako.. ganun lang.. o eto po ang mga kautuan na nagaganap sa likod ng mga naging ”primary pictures” ko sa friendster. One in a million po yung mga shots na yun. Bwhahaha!! WAPHIK! (tono ni mahal).

O ha.. Laban ka!!! Wapak!!! Hindi kasi pwedeng magtumbling at magsplit kasi yung isang kamay yun ang gamit sa pagclick ng mouse! Toinks! Buking na din si Bon!! Arot hahaha!!

Happy 3rd Year Anniversary Basti!


Me and Mini Me..

November 7, 2008

Ang bilis ng panahon.. kalaki mo na.. targis mas matangkad ka pa sakin.. haha i just want to introduce my MiniMe.. ewan ko kung mini me sya hindi ko nmn sya gaano kamuka..

His name is Mikko Jay Sebastian, my younger bro.  He is 15 years old and still in High School.. dont know kung matatapos nya High School.. hahaha adik ata e.. joke lang..

Before, we were like in world war II hahaha.. lagi ako nagagalit sa kanya.. ngayon para na kaming nasa world war III mas lalo ako nagagalit kadami kasi ata kagaguhan na ginawa..

Yan ang mga nakakarating na balita sakin kaya wag kang aangal..

Ginawa ko tong blog nato to inspire him a little and see what’s his Kuya has as of now. role model ba.. diba parehas kaming parang gusto magmodel.. hahaha..

O ako naman.. Eto ako..

Sa mga hindi nakakakilala sakin.. ako po si Mirex Sebastian. 2? years old. Simpleng tao may pangarap sa buhay at gustong mabuhay.. “Single” pa at nghahanap na nang mapapangasawa hahaha.. awww..

Bro sabi ko sayo e mas gwapo ako sayo!!! tignan mo?? di ba mga bloggers???

Hmmmm pano ko ba sisismulan ang message ko sayo.. Hindi mo kasi pinapakingan mga sinasabi ko minsan e.. e dito baka malala mo pagnabasa mo. Nabili ko na mga pinapabili mo kaya dapat sundin mo lahat ng sasabihin ko hehehe..

Bro! Bata ka pa at marami ka pang malalaman.. oks lang na gawin mo lahat ng gusto mo gawin pero be productive sa lahat nang gagawin mo.. Unang-una dapat alam mo ang tama at mali. Makinig ka sakin sasampalin kita pag hindi moko sinunod hahaha.. joke.

Just be good and keep on the right track kasi wala naman ibang sasalo sayo pagdating ng time kapag naligaw ka ng landas kundi kami din, pucha kami din mahihirapan.. kamahal mgparehab ngayon at mgpalibing..

Minsan nasabi sakin ni ermat na nagalit ka daw at muntik maglayas.. wag ganon!! targis aba e san ka pupunta kung naglayas ka? Kala mo ba e mabuti yun? magugutom ka din at uuwe ka sa bahay.. hahaha.. Makinig ka din minsan sa mga sinasabi namin kasi para sayo lahat yun at para sa ikabubuti mo yun…

Ngayon High School ka pa lang enjoy mo lahat.. enjoy ka to the maxx.. “Pero pagdating mo sa college promise mo na magseryoso ka na kasi life starts at college, dun mo sisimulan ang pagbuo ng mga panagarap at kung ano ang magiging ikaw sa hinaharap..” Wag kang magalala, lahat ng suporta na kailangan mo ibibigay namin sayo..

Ate mo bahala sa tuition fee at allowances mo.. ako nalang sa transpo allowance mo..

Basta pagtutulungan namin magkaroon ka lang magandang kinabukasan. Kaswerte mo nga kasi kami hindi namin naranasan ang kagaya ng nararanasan mo ngayon. Kung ano hingin mo binibinagy ng ate mo sayo, kung ano hingin mo sakin hindi ko binibigay  sayo, kuripot ni kuya sayo no haha!! Basta bro eto lang masasabi ko,

Balance everything… faith, family, friends, love, money, fame, hobbies, enemies and gilrs.. Have one goal and were just here by your side to reach your dreams.. always keep safe and from the rest of family sebastian, we love you…

Kaporma mo naman.. dami siguro nagkakagusto sayo???!!! para kang kuya mo ah!! Muka kang artista at modelo ng damit!!! Wapak walang mgrereact!!


I love my Laptop!!! Mabuhay ka na please!!

November 6, 2008

This is my laptop! HP Entertainment PC..

A powerhouse package having 2.0 Ghz Core 2 Duo, 2GB memory, 160 HDD, bluetooth, WLAN, DVD, finger scanner, etc lahat ata nasa kanya na pwera lang yung video card ng Nvidia na nakakafrustrate kasi hindi ko malaro ng maayos ang DOTA. Targis na Intel na yan hindi maayos ang driver sa vista..

Noong binili kita.. para akong bumili nang asawa!!

Pucha ngayon ko lang nalaman na sobra ko pala mahal ang laptop ko. Kung hindi sya nawalay sa piling ko e hindi ko malalaman kung gaano sya kaimportante at kahalaga sakin. Halos sya ang ngpupuno ng kalahati ng buhay ko, yung kalahati nung kalahati at yung kalahati pa nung kalahati e nakadistribute yon.. wag na makealam kung sino sino may ari non hahaha. toinks!

Nandyan sya lagi pagkailangan ko sya, kasama ko sya sa work pag night shift ako at lagi ko sya katabi pag nasa bahay ako, lagi ko gingamit ang daliri ko pagmaglog-in ako, kacute kase may finger scanner..

pag masaya ako.. kinakantahan mo ako ng happy birthday minsan happy new year..

pag malungkot ako.. kinakantahan mo ako ng memories o kaya naman hit me baby one more time ni britney spears..

pagwala ako magawa, pinapagod mo ako.. pinapanood mo sakin ang mga nakakapagod mong movies..

Sa 6 months nating pagsasama, alam na alam mo lahat ng sikreto ko at boung pagkatao ko.. pucha wala na nga ako naitago sayo kahit pagshoshow ko pinapanood mo! targis!

Dumating ang trahedya sa hindi inaasahang pagkakataon. Naka-admit po sya ngayon sa ICU at kasalukuyang inooperahan. Medjo confidential po at minarapat pong wag muna ilabas ng NBI, CSI at kung anu-ano pang “I” ang resulta ng investigation..

Eto po ang kalagayan nya ngayon.. doc gawin nyo po lahat ng makakaya nyo.

Hindi ko kakayanin kung mawawala ka sa buhay ko. Mahal na mahal kita at alam mo yan.. Gagawin ko ang lahat para sayo at mamahalin kita araw araw, minu-minuto bumalik ka lang.. Kaw ang buhay ko at ikaw ang nagbibigay kulay sa mundo ko. Wag mo ako iiwan please.. Minahal mo ako at mas minahal kita ng higit sa pagmamahal mo sakin. Ikaw lang ang nakakaunawa sakin at ikaw lang ang nagpapasaya sakin.. Salamat sa lahat.. salamat sayo, Laptop ko!! Miss you.. Muah!

Wahhh maximum of 15 days po ang itatagal nya sa ICU.. at hindi ko muna sya makakasama at makikita ng matagal na panahon.. isang araw pa lang ang nakakalipas e sobra na kitang namiss. parang yung isang araw katumbas isang taon.. grabe 15 years na iyon ah.. targis..  baka hindi ko pa sya makasama sa vacation ko.. huhuhuu.. cge ka paghindi ka gumaling bibili ako ng bagong laptop.. toinks..

Bye na po at masyado ako depressed ngayon.. parang hindi halata. toinks.

kablog nio po basti..


Rest In Peace….. Muna!!

November 3, 2008

Hayyyyyy… yhesssss… nakahinga din ng maluwag..sa haba ng pasok ko halos maubos ang aking damit at brief.. ang medjas ko naubos talaga hindi na ako ngmedjas kagabi hahaha.. i felt so uncomfortable sa soot ko kagabi.. dyosmio hindi ako nakabrief at ang soot kong boxers e yung pinakamaluwag.. ewww.. ang pantalon ko nabasa sa CR at ang damit ko nalang ang ngdadala sakin.. halos naubos ang pogi points ko.. feeling ko niloloko ako nun nasa switchboard (Ashton is that you???? Am i being Punk’d??? ilusyunado.. kagwapo ni ashton oh.. awwwww.. ) buti nalng wala naman trabaho at nakakulong lang ako sa office.. im really tired kasi nga nun oct 28 pa ako night shift tas yung off ko e ngpunta ako ng bday celebration ni henry (enjoy ako dun dahil dun masaya ako ngayon) tas last duty ko ngayon Nov2.. san ka pa.. haba parang footlong.. may sakit din ako nung time na yun ngpa ER nga ako para makanenoks ng libreng gamot sa hospital..

wow tender loving care talaga ang NGHA.. hindi ka papabayaan.. code red!!!

Maraming nangyare nun duty ko halos hindi na nga ko makahinga sa dami.. may mabeauty at ma-ugly na pangyayare.. ma-ugly kasi maysakit ako nun first duty ko.. mabeuty din namn kasi magaling na ako ngayon.. salamat doc.. ang cute cute mow.. kakatacute ka.. mapagsamantala ka naman doc kasi pagkagamot mo sakin may pinagawa ka namn sakin.. hmmm secrete yun samin nalang ni doc yun.. salamat po doc.. awwww.. mabeuty kasi nakapagrelax ako nun lumabas kami overnyt sa resort.. may mga nakilalang bagong freinds.. at meron din ngpasaya ng gabi.. kawawa nga si binibining henry kulang nalang hatiin nya katawan nya maentertain lang nya bisita nya.. meron kasi grupo.. hindi nya mapagsama ang mga bisita nya sa isang lugar.. e syempre pano mo ba naman pagsasamahin ang grupo ng mga cute sa isa pang grupo ng mga cute.. edi nagaway-away lang yun..eka nga sa kasabihan ang magnanakaw e galit sa kapwa magnanakaw.. parang ganun lang yun.. masaya nga yun gabi na yon kahit parang binabagyo ng signal no.3 ang venue e tuloy pa din at ngenjoy pa din..

super cola ang papel ko dun kasi naman wala lang ako parang hindi ngeexist hahaha.. hen salamat sa party..

Pagpasok ko namn sinulit ng NGHA ang bayad sakin kasi ngclone ako ng sangkatutak na HDD.. at wag kayo tumawag uli si doc sakin at tinatanong nya ang pakiramdam ko.. sabi ko naman oks na ako at magaling na. Humingi na naman ng favor.. sabi ba naman pagkatapos… i really dont know what to say.. sabi ko naman sa kanya thank you lang oks na doc.. secret uli kung ano favor ni doc.. hahaha awwwwwwww.. eto ang malupet last duty ko kagabi sa kadahilanang hindi pa tapos ang celebration ng bday ni henry na sabay na sabay sa undas.. may pahabol pa.. ngset sila ng muriatic acid session.. bukas na naman ang karinderya ni henry.. lintek nahilo ako sa tatlong shot. Buti nalang hindi tumawag si doc baka kasi kung ano magawa ko sa kanya.. medjo may amats kaya ako.. har har har.. Tumawag nalang si doc kanina sabi off daw sya.. care ko sabi ko sa kanya..

Hhayyyysss ang dami nagyari.. ngayon sinusulit ko pa.. naglalaba ako at nonood ng tv.. may nakuha din ako bagong movies kaya lang hindi ko nauwe ang tanga tanga ko kasi iniwan ko yung chord ng adptor.. at sumobra katangahan kasi pati ID,susi at magnetic card ndi nadala ng loko.. awwwww dug dug kasi ng dug dug kaya yun..

Nagsign nga din pala ako ng evaluation ko.. kasaya hehhe.. isang taon na naman pagsisilbe sa mga walang silbe.. exclude po ang mga co-expat.. mga local lang… hahaha.. karurunong nila sobra kelangan mo pang intindihin ang level nila.. nakakaiyak man e ngcheck ng payslip si EOD at ang isang buwan nya e isang taon kong sweldo wahahaha.. targis nga sabi ni bon.. hayyyy… nwey dami naman na laman ATM ko.. diba hen??? Enough to get married, go to UK,HK and SG.. nangarap na naman hahaha..

Tas eto pa sabi nga ni tina lahat ng gusto ng tao ngbabago.. noon maliliit na bagay lang ang gusto mo ngayon mas higit at mas marami ang gusto mo… naaliw ako sa sabi nya kasi ndi ko alam na marunong pala sya mgchinese garter.. infairness ang bagay kasing laro sa kanya e wrestling.. cant imagine tins playing garters.. tas dati gusto lang nya sumakay ng eroplano.. ngayon gusto na nia ng sariling eroplano.. ako naman dati gusto ko lang manood ng porn pero ngayon gusto ko ako na yung nasa porn joke lang po… example lang ba.. asar nun nakita ko sweldo ni EOD gusto ko ganun na din sweldo ko.. pucha kalaki ng eyebags e hindi makapagpabelo sa laki ng sweldo nya.. isa syang certified milyonaryong papa!!

Wahhh hindi ko matapos blog hahaha.. si bon kasi kakulit.. wag ko daw talbugan ang blog nya ng mga comments ko..

Ano ka ba ikaw nga idol ko sa pagpost e…. kaya lang syempre medjo nilimitahan ko ang pangookray ko kasi malupet pa sa malupet ang talas ng dila ko.. sabi ko naman sayo sisirit ang sipon mo at tutulo lahat ng tutulo sayo pagnanlait ako.. pro good pa naman ako sa ngayon..

Hayyss rest in peace muna ako ngayon.. kasi kaka stress ang buong linggo.. marami pa ako hindi nakwento nakalimutan ko na kasi kung ano mga yun.. tsaka hindi ko namn pede idetalye dito mga ginagawa ko no.. o pano po byers na po..

kontrahin ko si bob ong… hoy bob hindi lang bida ang nanalo ng awards no… pati din kontrabida no!! kaya kung hindi ka man naging bida… o naging kontrabida ka man.. kanya kanyang drama lang yan..

kablogggg!!!!-basti-